mosquitoes are attracted to dark colors: black and blue. i remember this quite well because we had a mosquito killer gadget a long time ago that emits a blue light which is supposed to "enchant" the mosquitoes and electrocute them. so here's an advise from GMANEWs.TV:
MANILA – Makatutulong ang kulay ng damit na isinusuot para hindi lapitan ng lamok na nagtataglay ng virus na nagdudulot ng nakamamatay na sakit na dengue, ayon sa pinuno ng Department of Health.
Inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III nitong Martes na mas lapitin ng lamok ang mga kasuotan o damit na madilim ang kulay tulad ng itim at dark blue.
Dahil dito, pinayuhan ng kalihim ang publiko na magsuot ng mga damit ng “light colors" ngayong panahon ng tag-ulan na aktibo ang mga lamok na nagtataglay ng dengue.
“Attracted ang lamok na nagkakalat ng dengue sa maitim ang kulay ... Kailangan siguraduhin nila na ang search and destroy (policy) sa kapaligiran ay ipaiiral," paliwanag ni Duque sa panayam ng dzXL radio.
Pinayuhan ni Duque ang mga mag-aaral na may unipormeng black o dark blue na higit na maging maingat sa kagat ng lamok.
Nanawagan din ng kalihim na patuloy na maglinis ng paligid at alisin ang mga nakabarang tubig na maaring pamahayan at pag-itlugan ng mga lamok.
Dapat din umanong kaagad magpatingin sa duktor ang mga may lagnat na may kasamang pananakit ng katawan.
“Medical emergency ang dengue, nakamamatay ito. Sa isang kagat lang baka ka matepok," paalala niya. - GMANews.TV
sa panahon ngayon, bawal magkasakit! AVOID BLACK and BLUES!
No comments:
Post a Comment