hindi hayop, hindi hunghang
lumuluha ang abutan
USOK
nang maliit ay sirkero
nang lumaki ay musikero
PALAKA
naghain si lolo
unang dumulog ay tukso
LANGAW
maraming paa'y walang kamay
may pamigkis sa baywang
ang ulo'y parang tagayan
alagad ng kalinisan
WALIS
dugtung-dugtong nagkakarugtong
tanikalang humuhugong
TREN
ang ngalan ko ay iisa
ang uri ko'y iba-iba
gamit ako ng balana
sa daliri makikita
SINGSING
binatak ko ang isa
tatlo pa ang sumama
PANYO
dalawang ibong marikit
nagtitimbangan sa siit
HIKAW
bayabas ko sa tabing bahay
ang bunga'y walang tangkay
ITLOG
tatlong bundok ang tinibag
bago narating ang dagat
NIYOG
tumakbo si kaka
nabiyak ang lupa
ZIPPER
isipin mong mabuti
aling balo ang sinaksak sa haligi
SUMBRERO
nang ihulog ko'y buto
nang hanguin ko'y malaking trumpo
SINGKAMAS
hindi naman hari, hindi naman pari
nagsusuot ng sari-sari
SAMPAYAN
nagsaing si kurukutong
bumubulaga'y walang gatong
SABON
bugtong kong sapin-sapin
nakasabit, nakabitin
araw kung bilangin
isang taon kung tapusin
KALENDARYO
kung sa ilan ay walang kwenta
sa gusali ay mahalaga
BATO
manghahabing batikan
tubig ang hanay
ang yaring sinamay
iba't-ibang kulay
BAHAGHARI
mayroon akong gatang
hindi ko matingnan
LEEG
may dahon ay di halaman
maraming mukha'y walang buhay
ang laman ay karunungan
AKLAT
kung bayaa'y mabubuhay
kung himasin ay mamamatay
MAKAHIYA
ipinalilok ko at ipinalubid
naghigpitan ang kapit
SINTURON
nang hawak ay patay
nang ihagis ay buhay
TRUMPO
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MGA SALITANG KANTO
GIFT IDEAS AT MARAMI PANG QUOTES sa BUDOL WISE! 1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy...
-
GIFT IDEAS AT MARAMI PANG QUOTES sa BUDOL WISE! 1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy...
-
even voter's registration require IDs now so my sister might get a postal ID one of these days, or maybe just renew her NBI clearance; ...
-
hindi hayop, hindi hunghang lumuluha ang abutan USOK nang maliit ay sirkero nang lumaki ay musikero PALAKA naghain si lolo unang dumulog ay ...
No comments:
Post a Comment