1. kwek kwek or tokneneng - ung maliliit na itlog ng pugo na may balot na kulay orange. kahit apat lang nito busog na ko. minsan ung penoy din or nilagang itlog ung nasa loob.
2. betamax - dugo ito ng manok na pinatigas. sarap nito lalo kapag manamis-namis ang suka.
3. isaw - intestine ng chicken. kawawang manok, lahat ng parte ng katawan pinagnasaan na. sarap kasi e!
4. pork barbeque - basta malambot at masarap ang timpla, aprub!
5. fish ball - magmula noon hanggang ngayon, fish ball pa rin panawid gutom.
6. manggang hilaw with bagoong - minsan nilalagyan ko pa ng asin para mas masarap.
7. calamares - pusit na may malutong na balot ng harina. amoy pa lang, nakakapanglaway na.
8. SCRAMBLE - capital letters kasi paborito ko 'to e! ito yung ginadgad na yelo tapos may color pink na food color, minsan nilalagyan ng powdered milk sa ibabaw or your choice of chocolate or strawberry syrup. matamis sya. hanggang ngayon, adik pa rin ako dito.
mas marami pang street food in the philippines with picture HERE.
maraming nagsasabi, dirty daw ang mga street foods. siguro hindi naman lahat kasi niluluto naman yun. at siguro yung sawsawan or "sows" ang madumi, kasi hindi naiiwasan minsan sawsaw ng sawsaw ung iba kahit naisubo na pala ung sinasawsaw.
ung mga street food ng mga chinese nauuso na rin dito sa philippines ngayon lalo na sa mga loob ng mall. example: hongkong style noodles, siomai sa siomai house, crispy siomai at shark's fin siomai sa pot dog, at kung anu-ano pang naiisip na pauso ng mga business-minded filipinos.
pero masaya kumain ng street food lalo na kapag kasama mo ay mga cowboy din at hindi maseselan ang tyan. lahat yata ng pilipino naranasan sa buhay nila kahit minsan na kumain ng mga yan. so ano pa nga ba, happy eating na lang!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
MGA SALITANG KANTO
GIFT IDEAS AT MARAMI PANG QUOTES sa BUDOL WISE! 1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy...
-
GIFT IDEAS AT MARAMI PANG QUOTES sa BUDOL WISE! 1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy...
-
even voter's registration require IDs now so my sister might get a postal ID one of these days, or maybe just renew her NBI clearance; ...
-
hindi hayop, hindi hunghang lumuluha ang abutan USOK nang maliit ay sirkero nang lumaki ay musikero PALAKA naghain si lolo unang dumulog ay ...
No comments:
Post a Comment