Saturday, September 19, 2009

MGA SALITANG KANTO





1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy ng nabubulok na bayabas. Ito'y dumidikit sa damit at humahalo sa pawis, madalas na naamoy tuwing registration sa school, sa elevator o FX at sa LRT na hindi aircon.

2. KUKURIKAPO - ito ang libag sa ilalim ng boobs, madalas na namumuo dahil sa labis na baby powder na inilalagay sa katawan. Maari ding mamuo kung hindi tlga naliligo o naghihilod ang isang babae. Ang kukurikapo ay mas madalas mamuo sa mga babaeng malalaki ang joga.

3. MULMUL - buhok sa gitna ng isang nunal. Mahirap ipaliwanag kungbakit nagkakaroon ng MULMUL ang isang nunal subalit hindi tlga eto naaalis khit bunutin pa ito, maliban na lamang kung ipa laser ito.

4. BURNIK - ebs sumabit sa buhok sa puwet, madalas nraranasan ng mga taong nagti-tissue lamang pagkatapos umebs, ang BURNIK ay mahirap alisin, lalo na kapag natuyo na ito. Ipinapayo sa mga may mga BURNIK na maligo na lamang upang ito'y maalis.

5. ALPOMBRA - kasuotan sa paa na kadalasang makikitang suot ng mga tindero ng yosi sa quiapo. Ito'y makipot na kasuotan ng paa, at manipis na swelas, mistulang sandalyas ito ng babae pero kadalasang suot ng mga lalaki, WALA ITONG PANG-KANAN O PANG-KALIWA. available in bl ue, red, green etc.

6. BAKOKANG - higanteng peklat, itoy madalas na dulot ng mga sugat na malaki na hindi ginagamitan ng sebo de macho habang natutuyo.imbes na normal na balat ang nakatakip sa bakokang, itoy mayroong makintab na balat na takip.

7. AGIHAP - libag na dumikit sa panty o brief. nabubuo ang AGIHAP kung ang panty o brief ay suot-suot na nang hindi bumababa sa tatlong araw at kapag tinapon ang panty o brief sa dingding, ito ay hindi mahuhulog pagkat dumikit na ng kusa sa dingding.

8. DUKIT - ito ang amoy na nakukuha kung kinamot mo ang pwet mo at may sumamang amoy tae.

9. SPONGKLONG - ito'y isang bagong wikaan na nangangahulugan isang estupidong tao. (ex. Spongklong ka pala e!!!)

10. LAPONGGA - ito'y kahintulad sa laplapan o kaya sa lamasan.

11. WENEKLEK - ito ang buhok sa utong, na kadalasang nakikita sa mga tambay sa kanto na laging nakahubad. Meron din ang babae nito.

12. BAKTUNG - pinaikling salita ng BAKAT-UTONG.

13. BAKTI - bakat panty.

14. ASOGUE - buhok sa kilikili.

15. BARNAKOL - maitim na libag sa batok na naipon sa matagal na panahon.

16. BULTOKACHI - tubig na tumalsik sa pwet kapag nalaglag ang isang malaking tae. naramdaman ito kasi tumalsik sa pisngi ng pwet ang tubig sa toilet bowl.

17. BUTUYTUY - etits ng bata.

18. JABARR - pawis na mabantot ng katawan.

19. KALAMANTUTAY - mabahong pangalan.

20. McARTHUR - taeng bumabalik after mong i-flush...

21. TUTCHANG - buhok sa ilong na naka labas, dulot ng natuyong sipon.

22. BALBAKWA - dumi sa gilid-gilid ng kuko sa paa na kalimitan ay kulay itim. Itoy mahirap tanggalin, pero pag nakuha mo na, itoy nakakatawa pag na-amoy.

23. KANGKAROT - "hiper" o sobra sa asukal, pero bobo sa lahat ng bagay.

24. SONATA - SOnog NA TAe.

25. TOM JONES - gutom. Tom-guts

26. WINNER - babae sa katawan ng lalake o bakla for short!

27. DAVID - david "hassle" hoff

28. BROKE BACK - lalakeng pumapatol sa lalake!

29. PUJAY - mabahong pepe.

30. PATEROS - gitna ng butas ng pwit at etits... bagsakan ng itlog!

31. JOJO - taeng sa sobrang haba, kumorte na ng letter "J" sa kubeta.

32. BADBOY - lalakeng parating naka leather gloves na ginupit, upang maka-labas ang mga daliri, at naka sandong gawa sa net na kulay marines.

33. AMBOY - amoy baboy!

34. BURERE - basang tae! Kalimitan nang yayari pag may LBM ang isang tao, at hindi na mapigil ang sakit nito. ( katunog din nya ito ).

35. CHOT-CHOT - pakikipag talik...

36. JON-JON - Gawain ng mga lalake pag walang asawa at syota. Kalimitan ginagamitan ng bold magazine at lotion.

37. TURBO - pakikipag talik sa loob ng auto! Quickie!

38. FIGHTER - malanding babae...

39. CAN BE - sa tagalog... pwede na na chicks...

40. Booking - bading na nkadali o kaya na ka score sa lalaki.

41. URMOT- Tirang tae sa base ng brief o panty.

42. YAMAS- Tae na nagmamarka at naiiwan sa kubeta pagkatapos i-flush, na kahit binuhusan mo with tabo-tabo e ayaw talaga matanggal.

43. IGIT- Yung matulis a dulo ng tae na nakaka-irita sa pwet pag inilalabas mo.

44. TUBOL- Tae na sobrang laki at sobrang tigas na tila para kang nanganak kapag nailabas mo na siya.

44. TSOKOBOLS- Jebs na bilog-bilog at paisa-isa kung lumabas (mala-kambing). Hango sa English words na choco balls.

45. DA HULK- Tae na matigas at kulay green (madalas lumalabas kapag kumain ng malunggay)

46. MALABUBOG- Pururot na may halong undigested bits ng peanuts na humihiwa sa lining ng pwet gawa ng mga kanto nito halo ng malakas na pagbulusok ng basang ebak. Madalas nangyayari after inuman session na mani lang ang pulutan at beer ang panulak.

47. CARE GIVER- Kaibigan na umaasikaso sa kaibigan na sobrang lasing.

48. KUNGFU- Matakaw sa pulutan.

49. TAENG-MUMU- Jebs na alam mong lumabas sa pwet mo at narinig mong tumilansik sa tubig, pero pagsilip mo eh wala dun

50. PARTIPUPER- Jebs na biglang gustong lumabas kapag nasa gimik, party o anumang masayang okasyon.

51. SCHUMACHER- Jebs na pumipilit lumabas habang nagdadrive, instantly transforming the driver into an F1 racer..

52. LUDY- Tae ng bagong panganak na bata. Hango sa isang sikat na brand ng peanut butter

53. PUNCHLINE- Tae na lumabas habang napapahalakhak sa isang joke

54. MALABANAN- Isang uri ng pururot na napakaitim, magmimistulang pozo negro sa paningin ang inyong kubeta

55. ANACONDA- mahabang poopoo na lumabas ng buo at hindi man lang naputol

56. BULAGA- Tae sa cubicle ng mga public CR na "bubulaga" sa nagtatangkang pumasok sa nasabing kasilyas. Eto ay kadalasang nasusundan ng mura sabay mabilisang paglipat ng cubicle.




Monday, September 14, 2009

23 MGA BUGTONG (FILIPINO RIDDLES)

hindi hayop, hindi hunghang
lumuluha ang abutan
USOK

nang maliit ay sirkero
nang lumaki ay musikero
PALAKA

naghain si lolo
unang dumulog ay tukso
LANGAW

maraming paa'y walang kamay
may pamigkis sa baywang
ang ulo'y parang tagayan
alagad ng kalinisan
WALIS

dugtung-dugtong nagkakarugtong
tanikalang humuhugong
TREN

ang ngalan ko ay iisa
ang uri ko'y iba-iba
gamit ako ng balana
sa daliri makikita
SINGSING

binatak ko ang isa
tatlo pa ang sumama
PANYO

dalawang ibong marikit
nagtitimbangan sa siit
HIKAW

bayabas ko sa tabing bahay
ang bunga'y walang tangkay
ITLOG

tatlong bundok ang tinibag
bago narating ang dagat
NIYOG

tumakbo si kaka
nabiyak ang lupa
ZIPPER

isipin mong mabuti
aling balo ang sinaksak sa haligi
SUMBRERO

nang ihulog ko'y buto
nang hanguin ko'y malaking trumpo
SINGKAMAS

hindi naman hari, hindi naman pari
nagsusuot ng sari-sari
SAMPAYAN

nagsaing si kurukutong
bumubulaga'y walang gatong
SABON

bugtong kong sapin-sapin
nakasabit, nakabitin
araw kung bilangin
isang taon kung tapusin
KALENDARYO

kung sa ilan ay walang kwenta
sa gusali ay mahalaga
BATO

manghahabing batikan
tubig ang hanay
ang yaring sinamay
iba't-ibang kulay
BAHAGHARI

mayroon akong gatang
hindi ko matingnan
LEEG

may dahon ay di halaman
maraming mukha'y walang buhay
ang laman ay karunungan
AKLAT

kung bayaa'y mabubuhay
kung himasin ay mamamatay
MAKAHIYA

ipinalilok ko at ipinalubid
naghigpitan ang kapit
SINTURON

nang hawak ay patay
nang ihagis ay buhay
TRUMPO

MGA SALITANG KANTO

GIFT IDEAS AT MARAMI PANG QUOTES sa BUDOL WISE! 1. BAKTOL - ang ikatlong lebel ng mabahong amoy sa kili-kili. Ang baktol ay kapareho ng amoy...